"...and I'll never gonna let go..." Langya! Tawa ako ng tawa sa pelikulang 'to! Ahahaha! Hindi naman ako mahilig sa Pinoy movies pero ...wat d heck! Natuwa ako dito :)
Alam ko naman mas magandang pelikula ito kesa For The First Time nina KC Concepcion at Richard Gutierrez, eh. Since DVD lang naman at hindi ko winaldas sa sinehan ang pera ko upang panoorin ito, ayun, nanood na ako. Alam niyo, tip eto ha. Sa mga frustrated sa mga Pinoy movies, manood kayo ng walang expectations. 'Wag kayong mag expect ng maganda o pangit man ang mapapanood ninyo. Win-win situation 'yan eh. Kung sakaling pangit man ang napanood ninyong pelikula, eh, na-validate lang 'yung taste ninyo sa movies. "Ah, tama nga ako. Pangit talaga 'to. Ang galing ko talaga!" Panalo ka, o dba? At kung maganda naman 'yung pelikula, medyo masakit man sa pride na amining nagkamali ka ng paghusga pero ok na 'yun noh, natuwa ka naman sa pinanood mo. Aminin! Kinilig ka kay John Lloyd 'di ba? Natuwa ka naman sa mga pakuwela ni Sarah 'di ba? Asus! Ok lang 'yan, may katwiran naman ang reaksiyong 'yan, eh. Blockbuster hit yata ang A Very Special Love. Kaya, baduy man sa kung baduy, talagang nakakatuwa ang pelikulang ito.
Ang haba ng sinabi...este, isinulat ko, ano? Anyway, my point is, matuto tayong kumilatis ng pelikula. Hindi porke sikat na mga artista 'yung nasa pelikula, eh, maganda na 'yung pelikula. At hindi porke ang galing-galing ng publicity, eh, maganda nga 'yung pelikula. Duh! Ilan ba sa inyo ang naloko ng For The First Time? Teka, teka...wala naman akong galit sa pelikulang 'yon. Example lang naman. I'm just making a point. Ayun! nakapag-Ingles tuloy ako! Mga Pinoy moviegoers, maging mapanuri tayo. Mahirap na nga ang buhay ngayon, krisis, eh...dinagdagan mo pa ang pasanin mo. Bakit kamo? Nagwaldas ka na nga ng pera sa sinehan, hindi ka pa feeling sulit sa ibinayad mo. Natuwa ka ba sa pinanood mo?
1 comment:
ahahahah! :D i never thought ud watch that film even just on dvd! (peace!)
but am glad u had fun watching it... :)
although we can't help being a critic to every movie that we watch.. i learned that if i just wanted to relax and experience escapism... then i try not to expect much (esp sa local films *peace agen!), try not to be a critic and simply enjoy d film...;)
indeed, nalingaw ko sa movie ni papa lloydee ug... xempre,, geeez! kgwapo nya oi! xa ata ang reason y i watched it agen *take note: sa moviehouse ha.. dili lang da debede... lmao!!!*
Post a Comment