Hay naku! Hindi naman talaga ganun kaganda ang A Very Special Love, eh. (biglang nag-iba ang ihip ng hangin, ano?) May mga napansin din naman akong mga kakulangan at kapalpakan. Anu-ano 'yon? Eto na...
1) May mga prolonged moments throughout the movie. (pasensiya na, mahirap i-Tagalog 'yun, eh) May mga sandaling pupwedeng maiklian. Hindi ko na mabigyang detalye ang bawat isa...pero hindi 'nyo ba naramdaman kahit minsan na puwedeng next scene na? Slight lang naman ang mga prolonged moments na ito, kumbaga para magkaroon ng dramatic effect. Kaso...ewan! Basta, mga one or two seconds na pinaiksing versions ng mga moments na 'yon - ayos na para sa 'kin.
2) Mali 'yung editing para sa comic moments, eh. Example, noong hindi nasiyahan si Miggs sa gawa ng Art Director 'nya, inutusan niya si Laida upang punitin 'yon. Sa trailer ng pelikula, parang naka-fastforward 'yun. Ang kenkoy-kenkoy ng dating ni Laida. Pero sa actual na pelikula, normal lang ang daloy ng oras (sheesh, pasensiya na ulit...nahihirapan po ako minsan mag-explain ng mga bagay na gumugulo sa isipan ko). Kung in-exaggerate 'yung comic moments ng pelikula, mas gaganda 'yon para sa 'kin.
3) Pinalampas ko na 'yung iba, eh. Pero sa bandang huli ng pelikula...eto, hagalpak ang tawa ko dito! Paano ba naman kasi, inconsistent and improbable na eh.
- Noong dumaan na ang truck na sakay ang mga musicians para sa solong song performance ni Miggs, parte ng panunuyo niya kay Laida upang siya'y patawarin, gamit ni Miggs 'nun ay wireless mic, 'di ba? Kumanta siya from across the street at narinig ni 'yon ni Laida. Tanong: 'asan ang speakers?
- Umulan ng malakas 'non. Pilit na sinusuyo ni Miggs si Laida. Eto naman si Laida, nagmamatigas. Tanong: Bakit hindi na-plaster across sa forehead ni Miggs ang buhok niya? Kahit pa sabihin nating hindi gaanong kalakasan ang ulan, sa patuloy na pag-agos ng tubig mula sa tuktok ng ulo niya pababa, siguradong mahuhulog ang buhok sa noo niya. Samakatuwid mga kaibigan, ang ulan ay nasa harapan lamang ng kamera at iilang patak lamang ang nahuhulog sa dalawang bida.
- Last frames, nasa gitna ng avenue of trees ang sina Miggs at Laida, masayang nagyayakapan at nagtatawanan. Umulan parin 'non ngunit makikita sa mga siwang ng mga puno at sanga ng kahoy ang mliwanag na sikat ng araw. Sa bandang unahan pa nila, kung saan dumaraan ang mga sasakyan, maliwanag na maliwanag ang sikat ng araw. Samakatuwid ulit mga kaubigan, peke po ang ulan nila.
"Maganda na sana pero..." Alam kong hindi ito maiiwasang banggitin ng mga Pinoy moviegoers sa mga pelikulang Pinoy. Kahit naman sa mga pelikulang Hollywood, nasasambit natin ito. Ngunit alalahanin nating mas madalas itong nasasabi sa mga pelikulang Pinoy. Kaya nga dumarami ang mga Pinoy na nanonood na lamang ng mga pelikulang Pinoy sa DVDs, if at all manonood sila ng gawang Pinoy. Lalong hihina ang industriya ng pelikula kung magpapatuloy na formulaic at cliche lang ang mapapanood natin. Nevertheless, malaki na rin ang iginanda ng pelikulang Pinoy mula noon. Ngunit sadyang marami pa tayong dapat matutunan sa pagpepelikula. Hayaan ninyo. Tutulungan ko kayong mamulat sa mga kamalian ninyo at gagabayan para sa ikagaganda ng pelikulang Pilipino. Pangako 'yan! *evil laughter*
No comments:
Post a Comment